CORDILLERA YOUTH SENDS SIGNATURES AGAINST BUDGET CUTS TO MALACANANG

This slideshow requires JavaScript.

Ngayong araw na ito ay ipinadala ng mga grupo mula sa kabataan gaya ng Anakbayan, Kabataan Partylist at Katribu-Youth ang unang bulto ng mga nakalap na pirma sa buong Cordillera.  “Nais naming patunayan sa administrasyong Aquino na desidido kami sa aming ipinapanawagan tungkol sa kalunos-lunos na kalagayan ng edukasyon sa Cordillera at sa buong Pilipinas. Dito natin masusukat kung talagang sinsero si Noynoy Aquino na making sa mga hinaing ng kanyang mga pinanunungkulan at kung siya ay gagawa ng mga hakbang na ating hinihingi” sabi ni Tracy Anne Dumalo, Anakbayan Cordillera spokesperson.

Ang ipinadalang package ng mga kabataan ay naka-address sa Malacanang kung saan ito ay naglalaman ng 1,661 na pirma mula sa mga kabataan at mamamayan ng buong Cordillera na tumututol sa budget cut at mga kaakibat nito na mapanlinlang na aksyon sa edukasyon. Ito ay sinumulan noong Setyembre 2011 at nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon dahil nais ng mamamayan ng Cordillera na gumawa ng naaayon na aksyon ang administrasyong Aquino sa isyu ng edukasyon at iba pang batayang serbisyong panlipunan.

“Makakaasa si Noynoy na kami ay makakakalap pa ng mas malaking bilang ng mga pirma upang patunayan na hindi kami natutuwa sa mga polisiyang ipinapatupad niya. Makakaasa din siya na hindi titigil ang mga aksyon ng mga kabataan para sa mga karapatan ng mamayan gaya na lamang ng edukasyon at iba pang serbicyong panlipunan” said Dumalo.

Leave a comment